Kahit hindi ko siya masyadong gets, kung anong konek nung trailer niya at ang linalaman ng libro. Ganito ang istorya ng librong ito..
Si Galo ay nakatira sa kanyang tiyohin na seaman, nag aaral siya sa isang pampublikong paaralan. Siya ay normal na estudyante.. makulit, pasaway minsan, nang-aasar, mareklamo at iba pa.. pinag aaral siya ng tiyohin niya.. kaya naman nagtitis siya na manirahan sa bahay ng tiyohin niya kahit halos ginagawa na niya lahat ng trabaho, parang maid kumabaga.. pero nung minsan, may tumawag sa kanya at pinauuwi siya sa probinsya dahil ang lola niya ay may sakit daw. Hindi pa niya gustong umuwi nun, pero napagisipan niyang umuwi nalang para naman makapag pahinga siya sa mga pinapagawa sa kanya ng pamilya ng tiyohin niya.
So yun umuwi siya sa Tarmanes, at dun niya unti-unting nalaman na ang lola na tinatawag niya ay hindi pala niya kadugo oh kaanuano.
Ang lola pala na tinatawag niya ay “si Mama Susan”, siya ay parang lider sa isang kulto na ang palagi nilang ginagawa (tatlong beses sa isang linggo) ay nagsasayaw, kumakanta, binubuhat si mama susan, nahihimatay ay nagigising pagkatapos ng 10 minuto. Madami ang miyembro ng kulto ni Mama susan, about 50 ata yun. Tapos may mga rebolto din sila sa bahay na malalaki at maiitim.
Nung nagsimula na siyang magduda, plinanon niyang tumakas kasama ang dalawang batang nakatira din duon sa bahay ni mama susan, ngunit sa kasamaang palad hindi natuloy dahil lumakas ang ulan at may parang sumunod sa kanila. Kaya napilitan din silang bumalik sa bahay ni mama susan.
Tapos, unti-unting nanghina si mama susan hanggang sa namatay. Pero before siya mamatay madami pang kakatakotan ang nangyare sa kanya na pati ako kinilabutan din. Ha Ha
Tapos yun, Tapos! Ewan ko na kasi, hindi ko magets yung last. Parang bitin yung story.. bleh. Hindi man lang sinabi kung ano nangyare pagkatapos nabuksan yung pinto na pinagtataguan niya nung pinipilit ng mga kaibigan ni mama susan na dapat hawakan siya ni Galo. At tsaka, kung ano nagyare dun sa magkapatid, kung naka uwi ba siya ulet sa maynila oh hina.
Basta. Walang closure.
Pasensya kung binasamo ‘to pero hindi mo gets, di ko rin kasi gets eh. :) PEACE.
And oh, its just P150.00. :)

